JERUSALEM— Nakapagtala ng 9,379 na bagong kaso ng COVID-19 ang Ministry of Health ng Israel nitong Lunes, sanhi upang umabot sa 948,058 ang kabuuang bilang ng impeksyon sa bansa.

Ayon sa Ministry of Health, Umabot sa 6,687 ang death toll ng Israel habang tumaas naman sa 53,169 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Samantala, nakapagtala rin sila ng 3,866 na mga bagong gumaling sa sakit at umabot na sa 888,202 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa virus.

Kaugnay nito, 5.8 milyon na katao o 62.7 na porsyento ng kabuuang populasyon ng Israel ang nakakuha na ng first dose ng COVID-19 vaccine. Habang 5.4 milyon naman ang nakakuha ng second dose at 1.05 milyon ang third dose.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Xinhua