Nasawi ang isang security guard nang masunog ang pabrika ng plastik sa Valenzuela City nitong Martes ng umaga, Agosto 17.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:41 ng umaga, nagsimula ang sunog sa Gilvan Packaging Corporation sa Bgy. Paso de Blas.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, dakong 4:47 ng umaga at naapula ito bandang 6:23 ng umaga.

Kinilala ng BFP-Valenzuela ang nasawing security guard na si Joselito Pelic habang nagtamo naman ng second degree burn si Nestor Purtisano, 47.

Tinatayang P3,000,000 ang naging pinsala ng sunog.

SOJ Vida, balik-bansa sa Abril 30; bigong maiuwi si Zaldy Co

Patuloy pa rin inaalam ng mga Arson investigators ang sanhi ng sunog.

Jaleen Ramos