Magpatuloy na lamang sa trabaho at huwag nang pansinin ang mga ulat ng Commission on Audit (COA), hiling niPangulong Duterte sa kanyang gabinete.
“Huwag mong sundin ‘yang COA. P***** i** ‘yang COA-COA na ‘yan. Wala namang mangyari diyan,” sabi ni Pangulo sa kanyang late night Talk to People.
Nagalit ang Pangulo sa COA kasabay ng paglabas nito ng ulat sa midya para paalalahan ang ilang ahensya ng gobyerno ukol sa ilang iregularidad sa procurement process. Lumalabas umano na may korapsyon na sangkot ang ilang ahensya kahit na pinapaalalahanan lang nito ang mga dapat na isumiteng dokumento.
Nitong nakaraang linggo, naglabas ng ulat ang COA ukol sa “deficiencies” na nakita sa P67.3 bilyon na COVID-19 funds.
“Hindi lang ito pati ‘yung DILG (Department of Interior and Local Government) may nababasa ako, pati ‘yung kay Secretary (Carlito) Galvez, mayroon din flagged, flagged, flagged, flagged down. Stop that flagging, g**d*** it,” pagpupuyos ng galit ng Pangulo.
“You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo,” dagdag ni Duterte.
Partikular na ayaw ni Duterte ng “flagging” ng COA sa mga ahensya dahil panahon na umano ng pamumulitika.
Raymund Antonio