Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ayon sa pahayag ng ahensya nitong Martes, Agosto 17.

Naka-self quarantine na umano ang kalihim sa Ilagan, Isabela kung saan din isinailalam ang COVID-19 test nito.

“Even while in isolation, the Secretary continues to discharge his functions,”pahayag ng DOLE.

“Prior to contracting the virus, the secretary has been receiving officials and guests at his office, and traveled to various parts of the country distributing assistance to displaced and disadvantaged formal and informal sector workers affected by the pandemic,”dagdag ng ahensya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The secretary wishes to thank the public for their prayers, and expresses hopes to resume leading DOLE officials in the distribution of assistance funds under its Serbisyong TUPAD as soon as his quarantine period is over.”

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workerso TUPAD ay isa sa mga programa ng ahensya para maghatid ng ayuda sa mga Pilipinong apektado ng pandemya.

Ellson Quismorio