Hiniling ng isang grupo ng mga guro nitong Martes, Agosto 17 sa Department of Education (DepEd) na bawiin ang order of computation para sa proportional vacation pay (PVP) ng mga public school teachers.
Dismayado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines matapos maglabas ang DepEd ng PVP computation para sa mga public teachers via Order No. 56 s. of 2021 nitong Agosto, 16.
Pinuna ng grupo ang ahensya para sa “devious computation” ng PVP kung saan sinabi nilang “masyado nang pandurugas ito sa mga guro.”
Giit ng ACT, “uncompensated” ang apat na buwang overtime work ng mga guro kaya’t hindi makatarungan ang deduction pay sa PVP.
"Ang DepEd ang may utang sa guro sa apat na buwan na overtime, bakit kakaltasan pa ang sweldo ngayong bakasyon sa bawat limang araw na pagliban noong pasukan?”tanong ni ACT Secretary General Raymond Basilio.
Paliwanag ng ACT, ang PVP ay “salary that teachers receive during school break, a counterpart leave benefit for lack of sick leave and vacation leave credits accorded to other government workers.”
“Our teachers have served for a total of 389 days in the last school year as compared to less than 300 days in previous years,” Basilio said. “This number even exceeded the days in a year, but DepEd cheated in its computation by not taking this fact into consideration,”dagdag ni Basilio.
Dahil dito, hinikayat ng ACT na pasahurin ang mga guro para sa overtime work at bawiin ng kagawaran ang naunang order of computations ng PVP.
Samantala, hinimok ng ACT ang DepEd upang maglabas ng guidelines para sa compensation ng overtime work ng mga guro, bilang pagtupad ng ahensya sa pangako nito sa naging pag-uusap ng dalawang panig-- ang DepEd at ang Civil Service Commission (CSC) nitong Hunyo.
Umasa umano sa “good news” ang mga guro ngunit binigyan pa sila ng dagdag na isipin.
“Their commitment is to grant service credits for each day of overtime work, which teachers can use to off-set absences,” sabi ni Basilio.
“They even promised to request for funding from the budget agency to pay for the 25 percent overtime premium of teachers. Where did it go?” pag-dedemand ng kalihim.
Hinimok din ni Basilio na ‘respetuhin’ ang karapatan ng mga guro na tahasang nilabag umano ng kagawaran sa ilalim ng paglulunsad ng distance learning noong School Year (SY) 2020-2021.
Giit ni Basilio, sa kabila ng pagdedeklara ng 80 araw na paid vacation para sa mga guro, patuloy pa rin ang pagbaba ng mga instructions ang DepEd.
“After 13 months of grueling work in the last school year, overtime work for teachers is still on, again, without proper compensation,” Basilio said. “Our teachers are not slaves, this is plainly inhumane!”dagdag niya.
Merlina Hernando-Malipot