Hindi kasalanan ng publiko ang muling pagtaas ng kaso ngcoronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang reaksyon niJao Clumia, presidente ng St. Lukes Medical Center Employees Association at sinabing nabigo lang ang pamahalaan sa pagpapatupad ng health measures laban sa sakit.

“Bakit natin ibibigay sa mga tao 'yung [sisi] bakit tayo nagkaroon ng ilang wave? Ilang wave na tayo, pangatlo, pang-apat na ba to, kung gusto nating ayusin 'yung pamamalakad ng gobyerno, sugpuin ang COVID-19, higpitan natin,” sabi ni Clumia.

Kaugnay nito, sinisi ni Jose R. Reyes Memorial Center nurse Cristy Donguines ang gobyerno sa pagmamaliit nito sa COVID-19 noong Marso 2020.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Nasa Department of Health, nasa pamahalaan natin, kung noon pa lang na-contain na natin yung ganitong klaseng problema, magkaroon man siguro tayo ng transmission dito sa loob, magkaroon man siguro tayo ng hawaan sa Pilipinas, hindi ganito kalala,” sabi ni Donguines.

“Bakit natin isisisi sa tao? Nagkaroon ng ECQ-ECQ, sa matagal na panahon na nag-ECQ tayo, bumaba na ang kaso natin, nung bumaba ang kaso natin, anong sinabi ng IATF? Anong sinabi ni Duque? Kailangan na nating magbukas nang paunti-unti,” dagdag niya.

Gabriela Baron