Nagbanta si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa mga magtatangkang bumili ng boto sa pamamagitan ng electronic payment para sa 2022 National elections.

Ayon kay Guanzon, ang transaksyon sa isang e-payment at maaari na ring ma-trace.

“I heard about this sort of a Gcash system, and I talked about this with the UP school economics alumni, and I asked their help, because they are bankers there and experts in finance.They said that the Central Bank can actually monitor this Gcash style or method of vote-buying," paliwanag niGuanzon sa isang webinar, nitong Lunes, Agosto 16.

"This is a warning to politicians, know that you’re going to be found out.If you think you’re 10 steps smarter than us, this vote buying through GCash is traceable by the Bangko Sentral,” dagdag niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ng Comelec, ang sinumang mag-aalok o mangangako ng pera upang ihalal ang isang kandidato ay itinuturing na pagbili ng boto.

Ang sinumang mapapatunayang gumawa nito ay makukulong ng mula isa hanggang anim na taon, pagkakatanggal ng karapatang makaboto at pagbabawalan kumandidato sa anumang posisyon sa gobyerno, ayon pa sa Comelec.

Leslie Ann Aquino