Plano ng Department of Health (DOH) na maisama na rin sa priority list sa pagbabakuna ang mga alalay o mga tagapag-alaga ng mga senior citizens.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccine Operations Center (NVOC), bumubuo na sila sa ngayon ng guidelines para sa polisiyang ito, bunsod na rin nang pagdami ng bilang ng mga fully-vaccinated seniors sa bansa, na umabot na sa 43%.
“We are coming up with another strategy — 'yung A2 (senior citizens) plus one. Ibig sabihin, senior citizen, dinala ng household member, pati ang household member babakunahan,” ayon kay Cabotaje, sa panayam sa radyo at telebisyon.
Idinagdag pa ni Cabotaje na ang naturang household member ay dapat na nag-aalaga mismo sa senior citizen.
Samantala, maging ang mga piling A3 o people with comorbidity members at ang kanilang mga tagapag-alaga ay maaari na ring bakunahan laban sa COVID-19.
Mary Ann Santiago