Opisyal nang nagsimula nitong Lunes, Agosto 16 ang remote enrollment sa mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12,ayon sa Department of Education (DepEd).

Saklaw ng regular ng pagpapatala ay ang mga mag-aaral sa kindergarten, elementary (Grades 1 hanggang 6), Junior High School (JHS) o Grade 7 hanggang 10 at Senior High School (SHS) oGrade 11 at Grade 12 na papasok sa pampublikong paaralan sa buong bansa para sa School Year (SY) 2021-2022.

Sinabi ng DepEd, sinimulan ang remote enrollment sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bunsod na rin ng patuloy na paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Tatagal ang enrollment period hanggang Setyembre 13 alinsunod na rin sa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ayon sa DepEd, maaaring ipasa ng mga magulang/guardian ang Modified Learner Enrollment at Survey Form (MLESF) sa mga paaralan na nasa lower risk areas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) and Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Dagdag pa ng DepEd, katulad ng proseso ng pagpapatala noong nakaraang taon, maaari pa rin magsumite ng MLESF sa pamamagitan ng phone call, text o SMS, social media, at online upang matiyak ang kaligtasan ng mga magulang, guro at mag-aaral sa gitna ng pandemya.

Merlina Hernando-Malipot