Private hospitals' group sa healthcare workers: Mass resignation, 'wag ituloy

Umapela ang grupo ng mga pribadong ospital sa mga healthcare workers na huwag ituloy ang bantang maramihang pagbibitiw sa trabaho sa gitna ng paglaban ng gobyerno sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Sana naman ‘wag nila ituloy iyon dahil malaki ang magiging effect dahil pandemic pa ngayon,” pahayag ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano sa isang television interview, nitong Linggo.

Nauna nang nagbanta ang mga healthcare workers mula sa mga pribadong ospital na magsagawa ng mass resignation bunsod na rin ng maliit na suweldoat kakulangan ng benepisyo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nanawagandin side Grano sa pamahalaan na ibigay na angspecial risk allowance ng mga healthcare workers na isinusuboang kanilang sarili upang labanan ang COVID-19.

Kaagad namang umapela ang Philippine Nurses Association sa mga healthcare workers na huwag nang ituloy ang kanilang hakbang.

“As much a possible, we don’t encourage them na gawin 'yan kasi ang maaapektuhan po ang pasyente,” pagbibigay-diin ni PNA national president Melbert Reyes.

“Pero hindi natin sila masisisi kung gagawin nila yan sapagkat ang pagpapahalaga at malasakit na binibigay ng gobyerno ay hindi talaga nila nararamdaman,” pahabol pa ni Reyes.

Jhon Aldrin Casinas