Isang masuwerteng mananaya mula sa Bulacan ang nagwagi ng P48-milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 26-24-07-12-01-09 kaya’t napanalunan nito ang jackpot prize na P48,589,712.20.

Nabatid na binili ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Upang makubra ang kanilang premyo, pinayuhan ni Garma ang lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid IDs at ang kanyang lucky ticket.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Samantala, mayroon pang 34 na mananaya ang nakahula naman ng limang tamang numero at nakapag-uwi ng second prize na tig-P50,000 habang 1,528 bettors naman ang tatanggap ng tig-P1,200 para sa nahulaang apat na numero.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Mary Ann Santiago