Nasa maayos na kondisyon si Manila Mayor Isko Moreno matapos dapuan ng mild COVID-19, ayon sa direktor ng Sta. Ana Hospital nitong Lunes, Agosto 16.

Matatandaang nitong Linggo ng gabi, inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) sa kanilang Facebook page na nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/08/15/mayor-isko-positibo-sa-covid-19/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/08/15/mayor-isko-positibo-sa-covid-19/

Kinumpirma ni Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana Hospital, na may mild case nga ng COVID-19 ang alkalde.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Aniya, bagama’t may bahagyang sintomas ito ng sakit ay maayos naman ang kalagayan ng alkalde sa ngayon at kinakailangan lamang uminom ng antibiotics, vitamins at supplements para sa kanyang paggaling.

“Our honorable Mayor Francisco Domagoso was admitted last night August 15, 2021, here at Sta Ana Hospital. He has mild colds, coughs and body malaise as presenting symptoms. He has no fever,” ayon pa kay Padilla.

“His RTPCR test result turned out positive. Lab tests were taken, and the initial findings of his chest CT Scan result is normal. Our clinical impression: He has a mild covid disease,” dagdag pa ng hospital director. "Presently, he is maintained on oral antibiotics and vitamins as supplements. He is stable, comfortable and sleeping well.”

Matatandaang una na ring nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna at tiniyak naman ni Padilla na pagalingna ang bise alkalde, na na-confine rin sa Sta. Ana Hospital noong nakaraang linggo.

Tiniyak ni Moreno, kahit pareho silang may karamdaman ni Lacuna, tuloy pa rin ang operasyon ng lokal na pamahalaan, partikular na ang laban nito kontra sa pandemya.

“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” aniya pa.

Mary Ann Santiago