Pinagdudahan ni Senator Imelda “Imee” Marcos ang pamamahagi ng Department of Health (DOH) ng special risk allowances (SRAs) para sa mga health workers.
Reaksyon ito ng senador matapos ihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na ilan pa sa mga healthcare workers ang tatanggap pa lang ng kanilang SRAs para sa taong 2020.
Una nang sinabi ni Duque na ang pondong nakalaan para sa SRAs ay naibaba na sa mga regional offices ng DOH.
“Unang-una, hindi ako naniniwala na naibigay sa mga ospital 'yun. Kasi wala naman silang binabayad sa mga ospital. Mula sa PhilHealth, or hanggang dito saspecial risk allowance,” sabi ni Marcos sa isang panayam.
“They haven’t paid anyone. Kaya hindi ako maniwala na na-download sa mga ospital,” dagdag ng mambabatas.
Naniniwala rin si Marcos na imposibleng hindi alam ng DOH kung naipamahagi na ang mga SRAs, lalo pa’t mahigpit ang liquidation ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Commission on Audit (COA).
“Kaya obligado ang DOH alamin kung saan napunta 'yung perang 'yun, kung meron nga silang binayad talaga,” komento ni Marcos.
Umaasa rin ang senadora na iimbestigahanni Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon ang usapin.
Aabot sa₱67.3 bilyong pondo ng DOH na naiulat na ginastos na ang nais ipaimbestiga ni Marcos.
Hannah Torregoza