DAVAO CITY– Nakapasok na rin sa Davao Region ang kinatatakutang coronavirus disease 2019 (COVID-19) Delta variant matapos maitala ang apat na kaso nito.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Region 11 na nagsabing na-detect ang variant sa Davao Oriental na may dalawang kaso, Davao del Norte, isa; at isang Returning Overseas Filipino (ROF) na taga-Davao Region.
Dalawa sa nahawaan ay taga-Mati City, Davao Oriental na kapwa na kapwa natuklasang nagpositibo nitong Hulyo 10.
Gayunman, ipinapalagay ng DOH na nakarekober na ang mga ito matapos makumpleto ang itinakdang isolation period.
“They are scheduled for a repeat reverse transcription-polymerase chain reaction test,” pagdidiin pa ng DOH.
PNA