Inirekomendana ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology ang pag-aapruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa clinical trial ng Sinovac para gamiting bakuna sa mga bata laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Idinahilan ni VEP Head Dr. Nina Gloriani, sinuportahan na ng VEP ang aplikasyon ng Sinovac para sa sa mga batang edad tatlo hanggang 17 taong gulang.
“Actually, ang Sinovac ay nag-a-apply for clinical trials sa children three years to 17 years old. Actually, inirekomenda na natin ang approval ng clinical trial na 'yun sa children sa FDA, ongoing po ang evaluation ng FDA for final approval,” sabi ni Gloriani sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, Agosto 16.
Nauna nang inaprubahan ng China ang paggamit ng Sinovac o CoronaVac mula edad na tatlong taong gulang.
Sa kasalukuyan ay para lang sa 18 hanggang 59 taong gulang ang nasabing bakuna sa Pilipinas.
Noong Hunyo, inanunsyo ng FDA na pinayagan nito ang paggamit ng Pfizer-BioNTech sa mga batang may edad mula 12 hanggang 17 taong gulang.
Charissa Luci-Atienza