Siyam na rehiyon sa Pilipinas ang kabilang sa “high risk” classification for coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng pandemya sa bansa.
Sa pahayag ng Department of Health (DOH), ang mga ito ay kinabibilangan ngNational Capital Region (NCR), Regions 7, 4-A (Calabarzon), 10, 3, 1, 2, 6 at ang Cordillera Administrative Region (CAR).
“Meron tayong siyam na rehiyon na nakatala as high risk case classification,” sabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman sa isang puling balitaan sa Malacañang, nitong Lunes, Agosto 6.
Aniya, anghealthcare utilization rate (HCUR) sa kalakhang rehiyon ay nasa moderate risk classification batay na rin sa datos ng ahensya mula Agosto 13.
Nasa high risk naman ang classification ng pitong rehiyon na kinabibilangan ng Metro Manila, Region 7, Calabarzon, Region 10, 3, 2 at 6 pagdating sa intensive care unit utilization (ICUR).
Pinunto ng opisyal na parehong HCUR at ICUR sa Calabarzon at Region 2 ang nasa high risk classification sa ngayon.
Sa kabuuan, nasa high risk ang classification ang Pilipinas sa ilalim nng COVID-19 crisis kung saan ang HCUR ng Pilipinas ay nasa moderate rate (60.68 posyento) habang nasa high risk naman ang ICUR (70.02 porsyento).
“Sa ngayon, based on our alert levels, wala na tayong Alert Level 1. Karamihan ay nasa Alert level 4 na (Right now, based on our alert levels, we no longer have areas under Alert Level 1. Most are at Alert level 4),”sabi ni De Guzman.
“Ibig sabihin, kasabay ng pagdami ng kaso ay 'yung pagtaas din ng ating mga utilization rates,” dagdag niya.
Bahagya namang tumaas ang average number ng COVID-19 deaths bawat araw mula huling linggo ng Hulyo.
“Tayo ay nag-aaverage) ng 75 deaths per day for the first two weeks of August and this is nearing the 84 deaths per day we saw in July,”dagdag niya.
John Aldrin Cuevas