Malaking bahagi na ng₱11.25 bilyong ayuda na inilaan para sa mga pamilyang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang naipamahagi na, ayon kay PresidentialSpokesman Harry Roque.

Sa pulong balitaan, ibinalita ni Roque na nasa kabuuang₱3.29 bilyon na ang naipamahagisa mga apektadong pamilya sa Metro Manila.

Nangunguna aniya ang Makati City sa laki na ng naipamahaging₱266,346,000 ayuda.

Noong Agosto 6, naglabasang Department of Budget and Management (DBM) ng₱10.894 bilyon para sa ayuda ng mga residente ng NCR na apektado ng lockdown.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Kamakailan, inaprubahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na₱3.4 bilyong ayuda para sa mga lugar na isinailalim din sa lockdown, ayon kay Roque.

Bukod sa Metro Manila, isinasailalimpa rin sa ECQ ang Laguna hanggang Agosto 20, hindi katulad ng Bataan na hanggang Agosto 22 pa ang lockdown.

Nailabas na rin ng pamahalaan ang ₱2.175 bilyong ayuda para sa mga residente ng Laguna at ₱700 milyon naman para sa Bataan.

Argyll Cyrus Geducos