Patay ang 16 na pinaghihinalaang kasapi ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Dolores, Eastern Samar nitong Lunes, Agosto 16.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson, Col. Ramon Zagala, dakong 5:30 ng hapon.
Aniya, nadiskubre ng mga sundalong miyembro ng Joint Task Force Storm ang hideout ng mga rebeldesa BarangayOsmeñakung saan ginagawa ang anti-personnel mines, dakong 4:00 ng madaling araw.
Sa nasabing operasyon, napatay ng militar ang 16 na pinaghihinalaang rebelde.
“Our troops acted on information received from the community which pointed them to the terrorists’ hideout where they manufacture their explosives,” paglilinaw pa ni Zabala.
Martin Sadongdong