Nakikiusap ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang registration period ng isang buwan upang hindi magkaroon ng “massive disenfranchisement” bunsod ng pandemya.
Binanggit ng mga kongresista na kabilang sa Makabayan bloc sa Kamara, may 13.1 bilyong botante ang madi-disenfranchised o hindi makaboboto kung hindi palalawigin ng Comelec ang panahon ng pagpaparehistro.
Kaugnay nito, hiniling ng anim na miyembro ng Makabayan bloc sa liderato ng Kamara na himukin ang Comelec na ma-extend ang deadline sa voter registration hanggang Oktubre 31 o isang buwan upang maiwasan ang "massive voter disenfranchisement amid COVID-19 pandemic.”
“The September 30 deadline was set before the COVID-19 pandemic and it now falls upon the COMELEC’s prerogative to adjust the deadline due to the ramifications of the pandemic,” ayon sa mga ito.
Ipinaliwanag ng mga mambabatas na dahil sa Enhanced Community Quarantine at Modified ECQ periods na ipinataw ng administrasyon upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus, ang voter registration ay sinususpinde ng ilang buwan.
Sinuspindi ng Comelec ang voter registration sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20 sa panahon ng lockdown.
Iginiit ng mga kongresista, may 13.1 milyong prospective voters ang maaaring hindi makaboto dahil sa backlog.
Bert de Guzman