Dismayado ang isang senador sa sistema ng pamimigay ng ayuda ng ayuda para sa sektor ng transportasyon kung saan inilarawan nito na "tinanggalan na ng pasada, pinagkakitaan pa ang ayuda matapos na lumabas na bilyong pondo pa ang hindi pa nagagamit."

"Mahigit isang taong pinagkakaitan ng ayuda ang mga kapatid nating mga namamasada. The DOTr and the LTFRB are invisible, and have become the single-biggest job stranglers since the start of the pandemic. Bigyan naman sila kahit kaunting dignidad sana. Tinanggalan na ng pasada, pinagkaitan pa ng ayuda," paliwanag ni Senator Nancy Binay.

Ang pahayag nito ay bunga na rin ng panawagan ngCommission on Audit (COA) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

na gastusin na nito ang₱5.58 bilyong pondo na nakalaan sa mga tsuper sa ilalim pa rin ng Service Contracting Program .

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Mahigit isang taon na but the distribution of much-needed cash assistance has hardly improved. Nakakadismaya at both the national and department levels na hanggang ngayon di pa rin priority ang ating jeepney at bus drivers. Wala na nga silang hanap-buhay sa kalsada, pahihirapan pa sila sa proseso ng pagkuha ng ayuda, ani Binay.

Kabilang sa dapat na makinabang ng ayuda ay mga tsuper ng Public Utility Vehicles (PUVs), katulad ng Public Utility Jeepneys (PUJ), UV Express (UVE), Public Utility Buses (PUB), Point-to-Point Buses (P2P), taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), school transport, at motorcycle (MC) taxis.

Leonel Abasola