Mayorya sa mga batang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Philippine General Hospital (PGH) ay nakarebor na sa panganib ng virus, ayon sa tagapagsalita ng ospital nitong Linggo, Agosto 15.
Sa pag-uulat, ang PGH ay mayroong walong COVID-19 patients na umuukupa sa 12-bed pediatric ward habang 4 ang naghihintay para ma-admit, ayon kay Dr. Jonas del Rosario.
“Ang maganda naman po kahit naging severe o critical yung mga bata, majority po talaga nakaka-recover. It might take a longer time, sabi ni Del Rosario isang panayam sa Teleradyo.
Kabilang sa mga pasyente ng PGH pediatric ward ang bagong silang na sanggol hanggang 15 taong gulang.
“Nung tinignan kopo yung aming data, yung amin pong case fatality rate sa bata ay six percent so medyo okay yun, medyo mababa-baba. Kaya lang minsan nagkakasakit sila nang mas severe,” dagdag ni Del Rosario.
Ayon kay Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines President Dr. Mary Ann Bunyi, mas mapanganibsa severe COVID-19 casesangmga batang may kasalukuyan nang karamdaman.
Gabriela Baron