Matatapos na ngayong taong taon ang konstruksiyon ng bago at modernong Manila Zoo na kapantay ng mga world-class na zoo sa ibang bansa.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa sandaling magbukas na ang zoo, ang unang mga bisita nito ay ang mga manggagawa at ang kanilang pamilyana tumulong sa paggawa nito.

Bilang pagpapakita, aniya, ito nang pagtanaw ng utang na loob sa kanilang dedikasyon na tapusin ang proyekto sa kabila ng pandemya.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde matapos magsagawa ng ocular inspection kasama sina city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na ang redevelopment ng Manila Zoological and Botanical Garden o Manila Zoo sa Malate, Manila, ang siyang magiging handog ng lokal na pamahalaan sa mga residente at mga bata sa Maynila, ayon sa alkalde.

Ipinangako din ng alkalde na ang bagongzoo ay magkakaroon ng mga katangian na maihahambing sa mga world class zoo sa ibang bansaat maaaring mahigitan pa nito sa pamamagitan ng malinis at malusog na kapaligiran para sa mga hayop na matatagpuan dito.

Dahil dito, ayon pa kay Moreno, ay hindi na kailangan pang pumunta ng mga Pinoy sa ibang bansa upang makakita ng maganda, malinis at modernong zoo.

“Hindi lang ito pinagplanuhan, talagang binalak ibenta dati, pati Paraiso ng Batang Maynila, sad to say.But, maraming salamat sa inyo, mga taga-lungsod at binigyan ninyo ako ng pagkakataon. ‘Yung commitment namin ay makikita ninyo sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya.

Batid din ng alkalde, ang Manila Zoo ang kauna-unahang zoo sa Asya na 61 taon na.

Mary Ann Santiago