Inaasahan ang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon sa susunod na 24 oras dulot ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Bicol Region, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)nitong Linggo, Agosto 15.

Huling namataan ang LPA sa layong 240 na kilometro ng hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte, ayon sa PAGASA.

Gayunman, inihayag ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, maliit ang tsansa na maging bagyo ang LPA at maaaring mawala sa mga susunod na araw.

Babala ni Bulquerin, makararanas pa rin ang bansa ng masungit na panahon dahil sa kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon province, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Aurora, Albay Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, at Masbate.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Habang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay patuloy na magkakaroon ng maulap na panahon at pag-ulan.

Maaari rin itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, dagdag pa ni Bulquerin.

Ellalyn De Vera-Ruiz