Sabi nga ng mga babae, 'Kilay is life!' Kahit walang lipstick o make-up, basta maganda ang korte ng kilay, puwedeng-puwede nang rumampa kahit saan. Kaya naman, sa mga kinulang sa kapal o korte, gumagawa nang paraan ang ilan gaya ng pagpapa-tattoo nito.

Pero ang magandang kilay na inaasam ay tila hindi na-achieve noon ni Bea Valiente mula sa Davao City, dahil agaw-pansin ang kaniyang kilay hindi dahil maganda ang korte, kung hindi napasobra naman ang kapal! Kaya naman tinawag siyang 'Kilay Girl' noong 2020.

Imbes na matuwa sa kaniyang kilay ay nadismaya siya sa naging resulta nito, lalo pa't nagbayad siya nang mahal para dito. Makikita sa mga ibinahagi niyang larawan sa kaniyang Facebook post noon na lubhang makapal ang pagkakaguhit ng kilay ng babae. Nagtiwala umano siya sa tattoo artist na mabibigyan siya ng magandang serbisyo at maayos na resulta ngunit naging kabaliktaran ito.

Hindi lamang siya ang dismayado sa labis na kapal ng kaniyang kilay kung hindi maging ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan. Pinagtatawanan at pinagtitinginan din siya ng mga tao kaya naapektuhan nito ang kaniyang mental health.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Larawan mula sa FB/Bea Valiente

Larawan mula sa FB/Bea Valiente

Larawan mula sa FB/Bea Valiente

Larawan mula sa FB/Bea Valiente

Lalong masakit sa dibdib ang nangyari sa kaniya dahil umabot umano sa ₱70,000 ang nagastos niya para dito. Sumailalim kasi siya sa 7 sessions, at bawat session umano ay ₱10,000.

Payo umano sa kanya ng tattoo artist ay pahiran lamang ng petroleum jelly ang kanyang kilay dahil ninipis din ito ngunit nanatiling makapal pa rin ang kanyang kilay.

Kumusta na nga ba si Kilay Girl ngayon?

Ayon sa panayam ng Balita Online, maayos na umano ang kaniyang kilay. May naawa umano sa kaniyang isang beauty company na nag-offer sa kaniya na ayusin nang libre ang kaniyang kilay. Ito ay ang 'Skin Republik.'

"Ok na po ako sa awa ng Diyos, may naawa sa akin, merong tumulong sa akin para lang maalis ang sobra sa kilay ko," aniya.

Dagdag pa niya, "Grabe, wala akong tulog at ayaw ko na halos kumain noon dahil nadepress ako sa nangyari sa akin. Ang hangad ko lang naman ay gumanda ang kilay ko. Buti ngayon, umayos na."

Screenshot mula sa TikTok/Bea Valiente

Screenshot mula sa TikTok/Bea Valiente

Screenshot mula sa TikTok/Bea Valiente

No description available.
Larawan mula sa FB/Bea Valiente

May payo naman siya sa mga babaeng kagaya niya na pasukin ang pagpapa-tattoo ng kilay.

"Sasabihin ko po sa babaeng magpapakilay po, sana po kung magpaganda kayo, dapat sa mga mamahalin or legit na marunong talagang magkilay," paalala niya.

Sa ngayon daw ay maganda na ang feedback ng mga taong nakakakita sa kaniyang kilay, kumpara noon, na napapa-second look sa kaniya.