Puspusan ang paghahanda ng mga kandidata ng Miss Universe Philippines (MUP) upang mapabilang sa final 30. Pagalingan at todo bigay sa mga ibinibigay na challenge sa pageant. Mula 100 official delegates naging 75 na lang ang mga kandidata.

Kapansin-pansin ang pangunguna palagi ng dating Kapamilya actress na ngayo'y Kapuso na si Kirsten Danielle Delavin, o mas kilala sa pangalang Kisses Delavin, sa mga challenges na naibigay ng MUP. Magmula sa Headshot at Video Introduction challenge. How about sa Runway challenge kaya?

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Anyway, patunay lang na maraming nagmamahal at sumusuporta kay Kisses kaya naman maraming itong nakukuhang votes sa online voting ng bawat challenge. Hindi naman kataka-taka dahil noong naging Pinoy Big Brother housemate si Kisses ay kinagiliwan din siya ng mga madlang pipol.

Bagama't nangunguna sa voting, may mga pumupukol naman kay Kisses na mga bashers sa social media.

Kagaya sa Tiktok samu't sari ang naging reaksyon ng mga netizens. May nagsabi, “Wag ipilit mga sis, hindi pang beauty queen yung beauty niya.” 

Pakli pa ng isa, “Not yet ready for internationals...Prom beauty, not for Miss U.” 

Ang matinding hirit ng isa ay, “Unplaced na pag ito ang mananalo sa MissUPh 2021 and putol ang victory ng Philippines balikan ninyo toh?”

Pero may mga netizens na pinagtatanggol ang kanilang idolo. Sagot nga ng isang tagahanga ni Kisses, “Go Kisses! Patunayan mo sa mga nanlalait sayo na mukha silang sigbin noh mga bashers mo. Sinasabi nila na pang intrams ka lang daw. Sabihin mo sa kanila na sila ang mukhang pang brgy pageant at ang stage gawa sa plywood at trapal ang bubong.”

Saad pa ng isa, “Remember guys candidate pa lang siya and ang dami nang nangbabash that only means na they are threatened to her existence!!!”

Sa kabila ng mga bashers never naging affected ang pambato ng Masbate. Mistulang walang pakialam siya sa nangyayari sa mundo ng mga taong mapanghusga. Kaya naman masayang ibinahagi ni Kisses sa kanyang Instagram ang video ng kanyang pasasalamat sa mga taong bumoto sa kanya. 

Sey niya, “Hello everybody Kirsten Delavin here. Kirsten Danielle Delavin rather, thank you so much for voting for me and to all the judges who voted for me thank you. I am now....I am now sended to the top 75 of Miss Universe Philippines 2021. And I’m very very happy and blessed. Follow me in my journey to the crown. Yehey!”

Infairness kay Kisses hindi na siya baguhan sa pagsali sa mga beauty pageants dahil bago pa man siya napasabak sa PBB ng ABS-CBN o naging celebrity lumagare na rin siya sa patimpalak ng pagandahan. Sa katunayan nanalo na siya sa provincial competitions gaya ng Miss Teen Masbate (2013) at Miss Kaogma 2016. 

Well, abangan kung hanggang saan dadalhin ng pagpupursige, determinasyon at pangarap ni Kisses na masungkit ang korona ng Miss Universe Philippines 2021. Yun na!