Matapang na sinagot ni Kisses Delavin ang tanong na 'Should trans women compete in pageants like Miss Universe?' sa panayam ng Pageanthology 101 noong Agosto 12.
"I think for me, trans women should feel safe to join whatever they decide. Kasi 'di ba, women are multidimensional. For me, go for it. Iwagayway mo who you are," aniya.
“We need not to single out LGBTQ+, they are still normal people. There are so many things other than being LGBTQ+… We need to focus on what they can do instead of just focusing on the fact that they are LGBTQ+. Because they are so much more than that for me," dagdag pa niya.
Matatandaang noong 2018 unang binuksan para sa trans women ang Miss Universe pageant Ang kandidata ng Spain na si Angela Ponce ang gumawa ng kasaysayan nito, bagama't hindi siya pinalad na manalo o magkaroon man lamang ng puwesto.
Binuksan na rin ng Miss South Africa at Miss Panama pageant ang kanilang kompetisyon sa mga transgender women nitong 2021.