Ayon sa Department of Justice (DOJ), mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2021, 28 indibidwal na ang nahatulan sa 25 kasong trafficking in persons (TIP) sa trial courts.

Sabi ni DOJ Undersecretary Emmeline Aglipay Villar sa 25 TIP cases, mayroong 73 biktima kung saan 57 sa mga ito ay menor de edad.

Dagdag ni Villar mula 2005 hanggang Enero 30, 2020, nagtala ng 679 na judgements of conviction ang DOJ sa iba’t ibang korte, 681 ang nahatulan.

Department of Justice

Kaso ng krimen sa bansa, bumaba mula Dec. 2025 hanggang Enero 2026—PNP

Sa kabuuang 1,656 indibidwal, 986 ay menor de edad, ang naging biktima ng mga kasong TIP mula 2005 hanggang Hunyo 30, 2021.

Ang pinakamataas na bilang ng hatol ay naitala noong 2018 na may 129 at sinundan ng 92 taong 2020 at 89 taong 2019.

Ayon pa kay Villar, kadalasan ay nagsusumite ng datos ng mga hatol sa pagtatapos ng taon.

Ilan sa mga kasong kahaharapin ng mga nasangkotsa TIP cases ang paglabag sa Republic Act No 9208, the Anti-Trafficking in Persons Act na isinabatas noong 2003.

Sa ilalim ng RA 9208, maaaring mahatulan ng hindi bababa sa anim hanggang habang buhay na pagkakakulong at multang P500,000 hanggang 2 milyon ang isang indibidwal.

Jeffrey Damicog