Ipinagharap na ng kaso ang dalawang indibidwal matapos mabisto na nagpa-booster shot sa Quezon City, kamakailan.

Hindi na isinapubliko ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakakilanlan ng dalawa na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-COVID-19 Vaccine Fraud Ordinance.

Isa sa mga ito ang naiulat na tumanggap ng Moderna vaccine shot sa lungsod nitong nakaraang linggo kahit bakunado na ito ng Sinovac vaccine sa Mandaluyong City noong Mayo 10.

Tumanggap naman ng Pfizer shot ang ikalawa kahit naturukan na ito ng Sinovac vaccinnesa lungsod.

Drogang tinangkang ipuslit sa hamburger sa kulungan, kalaboso!

Ipinaliwanag naman ni QC legal counsel Orlando Casimiro na mahaharapsa multang₱5,000 ang mga lalabag ng ordinansa at pagkakakulong ng hindi lalagpas ng anim na buwan o kaya ay depende na rin sa desisyon ng hukuman.

“We in the local government are taking this matter seriously. We will not tolerate actions like this, especially that a good number of individuals have yet to receive their first vaccine dose, not just in our city but in our country in general. Nagkakagulo na nga para lang makakuha ng bakuna ang mga tao, may manlalamang pa,” paniniyak pa ni Belmonte.

Matatandaang inamin ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora sa publiko nitong nakaraang buwan na dalawang beses siyang tumanggap ng booster shot dahil sa pangambang tamaan ito ng COVID-19. Gayunman, hindi ito kinasuhan ng pamahalaan.

Joseph Pedrajas