Itinanggi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador na nagsisilbi siyang abogado ng kontrobersyal na Masa Mart Business Center (MMBC) na may investment scheme sa kabila ng kawalan nito ng pahintulot sa pamahalaan.

Sa ipinalabas niyang pahayag, umapela ito sa publiko na huwag maniwala sa modus operandi ng MMBC na ginagamit ang kanyang pangalan.

“I have just been informed that a certain entity called Masa Mart is using my name and claiming that I am its lawyer. This is another scam. To dispel and eliminate all doubts, I categorically deny any affiliation with Masa Mart. I cannot be its lawyer as I do not even know anybody from it,” paglilinaw ni Panelo.

Dahil aniya sa paggagamit ng nakaliligaw na pahayag, marami ang naengganyo na mamuhunan sa MMBC.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Binigyang-diin nito na bilang Chief Presidential Legal Counsel, hindisiya nag-aalok ng legal services nito dahil mandato nito ay magbigay lamang ng payo kay PangulongRodrigo Duterte sa mga bagay kinakailangan ng kanyang trabaho.

“Accordingly, the public is duly warned that any claim that this representation is acting as counsel of Masa Mart, if not malicious, is false,” pahayag ni Panelo.

Pinayuhan din niya ang publiko na isuplong kaagad sa pulisya ang sinuman sa Masa Mart na gumagamit ng kanyang pangalan.

Nitong Enero 12, binalaan ngSecurities and Exchange Commission (SEC) ang publiko sa iligal na investment-taking activities ng MMBC.

Natuklasan ng gobyerno na nag-aalok ang MMBC ngSubscription and Gains Program kung saan nang-eengganyong myembro na mamuhunan ng mula₱1,250 hanggang₱500 milyon, kapalit pagbabalik ng mula ₱2746 hanggang₱11.65 bilyon depende na rin sa lock-in period.

Bukod pa ang alok na interes na hanggang30 porsiyentokada buwan. Nag-aalok din ang MMBC ng₱5,888 combo package na nagpapahintulot sa mga miyembro na mamuhunan ng₱5,888 para sa pangakong makakakuha ng₱20,000 pagkatapos ng anim na buwan.

Dagdag pa rito ang Do It Yourself Subscription ng 24-month Roll-over Program na nagbibigay din ng oportunidad sa mga miyembro na kumita ng mula sa ₱100,000 hanggang ₱12 milyon pagkatapos ng dalawang taon.