Narinig mo naman na siguro ang balita? Totoo nga! Nagtalaga ang Department of Trade and Industry (DTI) ng technical committee on Filipino Dishes na siyang bubuo ng Philippine National Standards (PNS). Ang PNS ang sisiyasat sa ilang putaheng Pilipino tulad ng sinigang, lechon, sisig, at ang pinakakilalang adobo.

Isa sa mga bantay-sarado sa mata ng DTI ang adobo. Ayon sa ilang pag-aaral, ang adobo ay nanggaling sa salitang "adobar" na nangangahulugang "to marinate." Sa galing ng mga Pilipino, maraming uri ng adobo ang inihahanda sa bawat rehiyon.

Narito ang ilang uri ng adobo:

Adobong Manok, Adobong Baboy, Adobong manok at baboy (Bersiyong Tagalog)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Popular na inihahain sa Katagalugan at tipikal na pagluluto ng adobo. Ang pangunahing sangkap na ginagamit ay manok at baboy. Sa pagluluto, ginigisa ang bawang at ihalo ang manok o baboy. Pagkatapos, lalagyan ng toyo at suka depende sa nais na sukat. Budburan ng paminta at lagyan ng dahon ng laurel, at pakuluan.

Larawan: Adobong Manok/FB

Humba: Ang Adobo ng Mindanao

Popular sa kalakhang Mindanao. Hindi tulad ng ibang uri ng adobo, baboy na may makapal na taba ang nagpapasarap dito. Ginagamit din minsan bilang sangkap ang pata ng baboy. Sa pagluluto, ilagay sa kaldero ang baboy. Lagyan ng toyo, suka, at kaunting tubig. Lagyan rin ng kaunting asukal at paminta. Ihalo ang bawang o kaya'y anise. Dagdagan ng itim na beans. Pakuluan nang matagal ngunit huwag hahayaang matuyo ang sarsa.

Larawan: Lamiang Pagkaon/FB

Adobo sa gata

Popular sa rehiyon ng Bicol. Tulad ng Bicol express, nilalagyan ng gata ang nagpa-iba sa paraan ng pagluluto rito. At dahil kilala ang mga Bikolano sa maaanghang na panlasa, maanghang rin ang pagluluto rito.

Larawan: Adobo sa Gata/FB

Bukod sa mga nalistang uri ng adobo, mayroon rin ibang paraan sa pagluluto dito. Halimbawa na lamang ang adobong tuyo, na kung saan, pinatutuyo ang sarsa ng adobo habang niluluto. Mayroon ring adobong puti na kung saan, hindi hinahaluan ng toyo ang pagluluto bagkus asin ang ginagamit na pampaalat.

May mga adobo rin nga hindi manok o baboy ang mga sahog. Halimbawa na rito ang "adobong tengang-daga" o black mushroom. Kilalang-kilala rin ang adobong kangkong na napakadaling lutuin.

Handa ka na bang ipatikim kung anong klase ng adobo ang inihahain mo?