Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na muling bubuksan sa Lunes, Agosto 16, ang drive-thru vaccination site sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na ipinasya nilang buksan muli ang lugar upang mabigyan ng pagkakataon ang mga motoristang hindi pa nababakuanahan.
Hiniling na rin nito sa publiko na magpa-reserve ng kanilang slot sa pamamagitan ngmanilacovid19vaccine.ph.
Tatagal aniya ang vaccination hanggang Agosto 22.
Mula sa 100 ay itinaas na sa 200 ang slots sa pagbabakuna upang madali na itong matapos.
Hinikayat din nito ang mga motorista na magbitbit ng hanggang tatlo para eksaktong apat (kabilang ang driver ng sasakyan) ang sama-samang mabakunahan.
Idinagdag pa nito na isa lang ang kailangan na magpareserba ng slot, gayunman, lahat ng sakay ay dapat nakarehistro rin at dapat na dala ang kanilang QR code para mabakunahan.
Mary Ann Santiago
Drive-thru vax site sa Maynila, bubuksan ulit sa Agosto 16