Giit ni dating senador at ngayo’y Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, maaari pa ring lumabag sa batas ang Department of Health kung mapatunayang hindi nito ginasta nang maayos ang P67.32-bilyong COVID-19 funds.

“A crime can be committed either thru Malfeasance/Misfeasance/Nonfeasance [and] will surely make the public official criminally liable or, at least, for tort/damages,” Escudero, isang abogado, sa kanyang Twitter post nitong Biyernes ng gabi, Agosto 13.

“Not using/spending P67 [billion] for public health during a pandemic certainly falls under nonfeasance at the very least!!!” dagdag niya.

Nilinaw naman ng Commission on Audit (COA) ang alokasyon ng DOH nitong nakaraang taon, na hindi nawala ang P67.32-bilyon na pondo sa kurapsyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa sa COA, ‘premature’ pa para sa ilang konklusyon ang mga unang mga natuklasan ng ahensya.

Nauna nang itinanggi ni DOH Secretary Francisco Duque III na wala umanong kurapsyon sa paggasta ng ahensya at “accounted for” ang lahat.

Nakatakdang magkaroon ng isang motu propio investigation ang Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senator Richard Gardon ukol sa audit report at iba pang isyu ukol sa paglalaan ng budget ng DOH laban sa COVID-19.

Vanne Elaine Terrazola