Pumalo na sa mahigit 96,000 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Nilinaw ng DOH na kabilang na rito ang mahigit 13,000 bagong kaso ng sakit nitong Biyernes.
Sa datos ng ahensya, nakapagtala pa sila ng 13,177 bagong kaso ng sakit nitong Agosto 13, 2021 kaya lumobo na sa 1,713,302 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 5.6% pa o kabuuang 96,395 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 95.8% ang mild cases, 1.4% ang severe, 1.0% ang asymptomatic, 0.97% ang moderate, at 0.8% ang critical.
Umakyat na rin sa 299 ang mga bagong pasyenteng namatay sa karamdaman.
Sa ngayon, umaabot na sa 29,838 ang total COVID-19 deaths ng bansa o 1.74% ng total cases.
Mary Ann Santiago