Niyanig ng 5.8-magnitude na lindol ang bahagi ng Batangas nitong Biyernes, dakong 11:08 ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng lindol sa layong18 na kilometro timog kanluran ng Calatagan.

Naramdaman ang "moderately strong" na Intensity IV na Calatagan, Batangas; Puerto Galera at Calapan City sa Oriental Mindoro; Lipa City, Lemery at Taal sa Batangas; Biñan sa Laguna; at Looc at Lubang sa Occidental Mindoro.

Yumanig naman ang Intensity III sa Pasig City, Parañaque City; Manila City; Quezon City; Caloocan City; Mandaluyong City; Valenzuela City; Abra de Ilog sa Oriental Mindoro; Obando saBulacan; Batangas City; at Tanza sa Cavite.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng “slight shaking” na Intensity II sa Meycauayan City at Malolos City, Bulacan; Makati City; Pasay City; Pateros; at San Jose, San Pascual, Bauan, Agoncillo, San Luis at Talisay sa Batangas, habang “scarcely perceptible” na Intensity I sa Malabon City.

Sa pagtaya ng ahensya, posibleng magkaroon ng aftershocks o pinsala sa naturang lindol.

Paglilinaw pa ng Phivolcs, ang naturang pagyanig ay aftershocks lamang ng magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan nitong Hulyo 24.

Ellalyn de Vera-Ruiz