Rehistrado na ang mahigit anim na milyong Pilipino sa Step 1 ng online registration ng Philippine Identification System (PhilSys).

Sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA, nasa kabuuang 6,012,508 na ang nakakumpleto na ng Step 1 process para sa Philippine Identification (PhilID) card.

Paliwanag ng PSA, layunin ng online signup na makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga nagparehistro, gayundin ang mga kawani ng ahensya.

Patuloy namang isinasagawa ng Step 2 biometrics registration sa maliit na batayan dahil may mga lugar ang nasa enhanced community quarantine (ECQ) katulad ng National Capital Region na sinuspindi ang face-to-face transactions.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We envision the PhilSys to be a strong intervention in ensuring Filipinos have a valid proof of identity as a means of simplifying public and private transactions. This is the very reason why the law was passed and why the government wants to embark on such an ambitious and transformative project,”ayon sa PSA.

Nitong nakaraang Agosto, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act sa layuning makalikha ng isang pambansang ID para sa lahat ng mga Pilipino atresident alien.

Binanggit ng PSA, dapat maging isang patunay ng pagkakakilanlan ang national ID upang mapagaan at mapahusay ang lahat ng transaksyon sa gobyerno at sa pribadong tanggapan.

PNA