CAGAYAN - Kinumpirma na ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) na nakapagtala na sila ng 16 kaso ng Delta variant sa Region 2.

Sa nasabing kaso, nasa 13 ang naitala sa Isabela, dalawa sa Cagayan at isa sa Nueva Vizcaya, ito inihayagni Department of Health (DOH)-Region 2 director Rio Magpantay.

Unang inilabas ng DOH Central Office at UP-Philippine Genome Center na may 177 bagong kaso na ng Delta Variant sa bansa kung saan 16 ay mula sa Cagayan Valley Region (Region 2).

Matatandaang unang naitala ang kaso sa Solano, Nueva Vizcaya, gayunman, nakarekober na umano ito sa sakit.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Liezle Basa Iñigo