Iniimbestigahan na ng militar ang naiulat na pananatili ngChinese research ship malapit sa Panatag o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
“We are verifying the report of the alleged presenceof a Chinese research ship spotted near Panatag Shoal in the West Philippine Sea. Our next course of action will be based on the facts that are gathered by the maritime patrols in the area,” sabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.
Nauna nang ibinunyag ni Ryan Martinson, assistant professor ng United States Naval War College, sa kanyang Twitter post na namataan ang "Hai Da Hao" na isang Chinese researchvessel,65 nautical miles east sa Panatag Shoal nitong Miyerkules, Agosto 11.
Naglabas din ng litrato si Martinson sa naging operasyon ng research vessel na pinamamahalaan ng China Ocean University, isang institusyong nakabase saQungdao, China.
Nitong Agosto 12 ng gabi, habang nililisan ng naunang research vessel ang 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ), may namataan namang dalawang Chinese ship sa teritoryo ng Pilipinas. Ang dalawang barko ay kinabibilangan ng “Jia Geng” at “Dong Fang Hong 3,” ayon pa kay Martinson.
Matatandaang naging laman na ng diplomatic protest ng Pilipinas ang “Jia Geng” bago pa ito unang natukoy sa loob ng WPS at napaulat na namuno sa ilang iligal na pananaliksik sa Panatag Shoal at Kalayaan Island nitong Abril at Mayo 2020.
Nitong nakaraang Enero, muling namataan ang "Jia Geng" sa EEZ ng bansa, gayunman, itinanggi ito ng Chinese Embassy.
Noong Agosto 2019, namataan naman ng pamahalaan ang "Dong Fang Hing3" malapit sa karagatan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Namataan din ng gobyerno ang 200 na barko ng China na nakadaong malapit sa Julian Felipe Reef sa WPS limang buwan na ang nakararaan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Lorenzana na patuloy na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang teritoryo ng bansa laban sa China.
“Rest assured that the AFP, through the Northern Luzon Command, undertakes regular domain awareness operations and provides all the necessary support to the Philippine Coast Guard and other agencies to secure and implement our laws in our territorial waters and the EEZ,” pagdidiin pa ni Lorenzana.
Martin Sadongdong