Travel ban sa 10 bansa, extended hanggang Agosto 31

Pinalawig ng Pilipinas ang travel restrictions mula sa 10 bansa sa gitna ng paglaban ng bansa sa mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Inanunsyo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 177 na bagong kaso ng Delta variant nitong Huwebes. Sa huling datos nitong Agosto 12, nasa 627 na ang kabuuang bilang ng Delta variant sa bansa.

Narito ang listahan ng bansang may travel ban hanggang Agosto 31:

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

  • India
  • Pakistan
  • Bangladesh
  • Sri Lanka
  • Nepal
  • United Arab Emirates
  • Oman
  • Thailand
  • Malaysia
  • Indonesia

Nauna nang sinabi ni Roque na ipinataw ang paghihigpit sa mga travelers mula sa mga bansang ito ay upang maiwasan ang community transmission ng iba’t ibang COVID-19 variants sa Pilipinas. 

Aniya pa, exempted sa travel restrictions ang repatriation at special commercial flights para sa mga Pilipino. Gayunman, kailangan pa rin nilang sundin ang mga testing at quarantine protocols.

Argyll Cyrus Geducos