Nasa “monsoon break” muna ang bansa dahil na rin sa pansamantalang paghina ng habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang monsoon break ay ang dry period na susundan din ng hanggang dalawang linggong pag-ulan.

Sa weekly weather outlook ng PAGASA nitong Biyernes, Agosto 13, ang ridge ng high pressure area (HPA) o ang kabaliktaran ng low pressure area (LPA) ay kasalukuyang nakaaapekto sa Luzon.

Aasahan na magkakaroon ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at ang buong bansa, maliban sa ilang pulo-pulong ulan at thunderstorms.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binalaan din ng PAGASAang publiko na maging alerto sa posibleng flashflood at landslide kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ellayn De Vera Cruz