Idinahilan ni Manila Mayor Isko Moreno, dalawampu't pito sa 344 beds na lamang ng naturang ang available para sa mga bagong pasyente.
Bukod aniya sa MCFH, maging ang occupancy rates sa anim na city-run hospitals ay tumaas na rin ng 46% hanggang sa kasalukuyan at maging ang quarantine facilities (QFs) ay nasa 15% na ring okupado, mula sa dating 2% hanggang 4% lamang bago ang enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ng alkalde na bago pa sumulpot ang Delta variant ng COVID-19 at muling nagkaroon ng pagdami ng mga kaso ng coronavirus, ay nakapagtayo na ang lungsod ng Maynila ng sarili nitong COVID hospital.
“Imaginine n’yo, saan ko ilalagay ang 300 patients na ‘yan? Buti na lang naabatan natin at ngayon ay napapakinabangan natin sa panahon ng pagkalat ng Delta variant,” pagbibigay-diin nito.
Sa datos na ibinigay ni MCFH Director Dr. Arlene Dominguez, lumilitaw na sa ngayon ay 317 na mula sa 344 beds ng pagamutan ang okupado na.
Sa naturang bilang ng mga pasyente, 63% aniya ang hindi bakunado, 12% ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna at 25% naman ang fully-vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.
Mary Ann Santiago