Umapela sa mga Pilipino si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos nitong Biyernes, Agosto 13 na huwag magpangatlong dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, aniya, ang sinasabing “booster shot” ay ilegal.

MMDA Chairman Benhur Abalos (Ali Vicoy/ File photo/ MANILA BULLETIN)

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Higit na mahalaga, sinabi ni Abalos na ang mga kumukuha ng pangatlong dose ay tinatanggalan ng oportunidad ang kanilang kababayan na makakuha kahit isang dose ng bakuna na nakaliligtas ng buhay.

“Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin yung first dose at second dose,” aniya sa mga mamamahayag habang sinusuri ang vaccination process sa munisipalidad ng Pateros.

“Kaya ako nagsama ng mga awtoridad ngayon para ma-imbestigahan itong mga nagpapabakuna ng booster dahil bilang patakaran, bawal po ito. Hindi dapat gawin ito. Makunsensya naman kayo, and andaming wala pang bakuna, hirap na hirap na nga tayong magbakuna,” dagdag pa niya.

“Ito panawagan ko–kulang tayo sa bakuna ngayon. Makunsensya naman kayo, yung iba wala pang bakuna tapos kukuha kayo ng booster? ‘Wag naman ganun. Ang patakaran natin ngayon, first and second dose as far as government is concerned,” pagdidiin ni Abalos.

Binigyang-diin ng pinuno ng MMDA na ang mga magagamit na jabs sa bansa ay nakuha ng gobyerno para sa publiko sa pamamagitan ng procurement o 'di kaya'y donasyon mula sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

Nakakuha umano siya ng report sa social media na may isang tao na pinaghihinalaang nakatanggap ng 2 anti-COVID shots sa Mandaluyong City at nakakuha pa ng pangatlong shot sa ibang local government unit (LGU).

“Siguro ang tanong dito, anong kaso?,” Ani Abalos, na dating lawyer at mayor ng Mandaluyong.

“For one, tignan natin yung form niya. Kasi may form yan kung ilang shots pa, kung first or second. Tinitignan natin, pinapa-imbestigahan natin. Ngayon kung nilagay mo roon na isa ka pa lang, or dalawa, yun pala pangatlo ka na, that’s falsification,” paliwanag niya.

“We have to review our forms here and even review our ordinances here…maawa naman kayo,” dagdag pa ni Abalos.

Elison Quismoro