Tinanggihan ng China ang panawagan ng World Health Organization (WHO) sa panibagong imbestigasyon ukol sa pinagmulan ng COVID-19, giit ng bansa, magbibigay lamang sila ng suporta sa mga hakbang na siyentipiko.
Muli na namang nararamdaman ang pressure sa Beijing matapos ang bagong mungkahi na imbestigahan ang pinagmulan ng COVID-19 mula nang unang nagtala ng kaso ng COVID-19 Wuhan, China.
Sa huling pagtataya, higit apat na milyong tao na ang dinapuan ng virus, at patuloy na malaking pagsubok sa mundo ang naging epekto nito sa ekonomya.
Matatandaan na isang pangkat ng eksperto mula WHO ang nagtungo sa China nitong Enero para makabuo ng unang phase ng imbestigasyon subalit bigo itong matukoy kung paano nagsimula ang naturang virus.
Nitong Huwebes, Agosto 12, muling hinikayat ng WHO angChina na magbahagi ng “raw data” mula sa kauna-unahang kaso ng COVID-19 upang muling buksan angimbesigasyonukol sa pinagmulan nito.
Muli namang tumindig ang bansang China na sapat na ang naunang inisyal na imbestigasyon. Giit ng bansa, ang panawagan sa paghingi ng panibagong datos ay isang pamumulilitika lamang.
“We oppose political tracing … and abandoning the joint report”, sabi ni Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu.
“We support scientific tracing,” dagdag niya.
Sa ulat, una nang nabanggit na mula sa paniki ay naisalin sa tao ang virus at “extremely unlikely” na maging sanhi ang leak mula sa Wuhan virology labs.
Mariing tumanggi si Ma sa pagbubukas muli ng imbestigasyon.
“The conclusions and recommendations of WHO and China joint report were recognized by the international community and the scientific community,” sabi ni Ma.
“Future global traceability work should and can only be further carried out on the basis of this report, rather than starting a new one.”
Agence-France-Presse