Nanawagan ang isang senador na palawigin pa ang hakbang ng pamahalaan at bigyan ng oportunidad ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.

“Giving them P20,000 each simply would not cut it anymore,”pahayag ni Senator Joel Villanueva, chairman ng Labor Committee ng Senado.

Dapat aniyang makabaliksasariling labor market ng bansa ang mga returning OFWs.

“The last thing we want to happen is that our OFWs become part of our unemployment statistics,” paglalahad ni Villanueva sa isang television interview, nitong Huwebes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nanawagan din si Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Overseas Workers Welfare Administration na magkaroon ng imbentaryo sa kasanayan at kakayananng mga ito.

“I-match po natin ‘yong available talent sa available jobs. Tungkulin po ng gobyerno na mag-facilitate sa pagitan ng mga workers at employers,” sabi ni Villanueva.

Ayon pa sa senador, lalo lamang ipinapakita ng sitwasyon ang pangangailangang magkaroon ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos (DMWOF).

“Kaya po isinusulong at inaaksyunan natin ito sa DMWOF, dahil nais nating maayos ang pagbabalik ng manggagawa sa ating domestic labor market,” dagdag pa ng senador.

Vanne Elaine Terrazola