Pumalo na sa mahigit 5.7 milyon ang mga bagong botante na nai-rehistrong Commission on Elections (Comelec) para sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hanggang nitong Biyernes, Agosto 13, 2021 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 5,727,223 bagong registrants.

Plano pa nilang i-reactivate na ang may 6.3 milyong botante na una nang na-deactivate matapos na mabigong bumoto sa loob ng dalawang magkasunod na halalan.

Ani Guanzon, kung kalahati man lamang ng naturang milyun-milyong deactivated voters ang ma-reactivate nila ay maaabot nila ang mahigit 8.8 milyong registrants.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“5,727, 223 new registrants as of today, August 2021. If only 50% of deactivated voters of 6.3M will be reactivated, we can hit 8, 877, 233,” ani Guanzon, sa isang tweet.

Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ni Guanzon at ng iba pang mga Comelec officials ang mga mamamayan na magparehistro na para makaboto sa susunod na halalan.

Sinabi ni Guanzon na ang voter registration ay nakatakda nang magtapos hanggang sa Setyembre 30, 2021 at wala na silang planong palawigin pa ito.

Mary Ann Santiago