Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 238 aftershocks matapos ang 7.1-magnitude na lindol sa Davao Oriental nitong Agosto 12.
Sa huling datos nitong Agosto 13 mg dakong 7 ng umaga, sinabi ni Science and Technology Undersecretary and Phivolcs OIC Renato Solidum na sa 238 na aftershocks na naitala, 122 ang naka-plot o matatagpuan malapit sa epicenter ng mainshock sa munisipalidad ng Governor Generoso sa lalawigan ng Davao Oriental.
“Moderately strong” aftershocks na may sukat na 5.1, 5.3 at 5.1 ang naitala noong 11:42 p.m. ng Agosto 12 at 4:17 a.m. at 4:28 a.m. nitong Agosto 13, ayon sa pagkakabanggit.
Pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na manatiling mapagbantay dahil ang mga aftershocks ay maaaring maganap sa mga susunod pang mga araw.
Sinabi ni Solidum na ang 7.1-magnitude na lindol ay posibleng nilikha ng Philippine Trench.
“Eastern Mindanao, where Davao Oriental is a part of, is one of the most seismically active areas in the country because of the Philippine Fault and Philippine Trench, which are the main earthquake generators that can affect the area,” ayon sa Phivolcs.
Ellalyn De Vera-Ruiz