Binawian ng buhay ang apat na madre mula sa Carmelite Convent sa La Paz district ng Iloilo City, sa loob lamang ng halos dalawang linggo.

Ayon kay Fr. Angelo Colada, director ng Jaro Archdiocesan Commission on Social Communications, ang mga namatay ay kabilang sa 24 na madre na dinapuan ng virus at karamihan ay matatanda na.

Aniya pa, bukod sa mga madre ay mayroon pang siyam na staff ng kumbento ang nagpositibo rin sa COVID-19.

“So out of 24 plus nine personnel who tested positive, seven were brought to the hospital but four of them already died,” ayon kay Fr. Colada, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga madre ay magkakasunod umanong namatay, isa noong Hulyo 31 at Agosto 3, at dalawa naman noong Agosto 10.

Samantala, ang iba pang mga madre at staff na infected ng virus ay nananatili pa rin namang naka-isolate, habang naka-quarantine rin ang mga nagnegatibo sa sakit para saclose monitoring.

Nabatid na ang kumbento ay naka-lockdown na simula pa noong Hulyo 25.

Mary Ann Santiago