Umani ng batikos mula sa netizens ang kontrobersyal na 'insensitive' advertisement ng Belo Medical Group sa social media accounts nito.

Makikita kasi sa video ang naganap na physical transformation ng isang babae sa pag-iral ng community quarantines dahil sa pandemya: Nangitim ang eye bags, dumami ang tagyawat sa mukha, lumobo ang katawan, humaba ang buhok sa kilikili, at tinubuan ng mga balahibo sa binti.

Sa dulo ng video, may tagline itong "Tough times call for beautiful measures."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa YouTube

Screenshot mula sa YouTube

Screenshot mula sa YouTube

Screenshot mula sa YouTube

Ayon sa netizens, napaka-insensitive nito dahil ang tunay na pandemic effect ay kawalan ng trabaho at mga namatayan ng mahal sa buhay. Maaari rin umano itong magdulot ng insecurity sa mga tao.

"Ang babaw ng pananaw ng Belo sa pinagdaraanan ng mga tao. Pagkain sa mesa ang inuuna ng mga tao kaysa unahin ang magpa-lipo at mag-laser ng buhok," sabi ng isa.

"Grabe naman itong ad na ito. Porke ba't ganyan ka eh pangit na? Paano kung may sakit na ganyan yung tao? Very insensitive!" saad ng isa.

Samantala, agad na binura ng Belo Medical Group ang naturang video at naglabas sila ng apology post.

Larawan mula sa IG/Belo Medical Group

"We apologize about our recent Pandemic Effect film. Thank you for being gracious in letting us know your thoughts about it.

We hear you. You helped us see what we failed to see, which is that the film is insensitive and upsetting. Because of this, we have taken the ad down. We commit ourselves to learning from this and bringing our learnings into the future," paglilinaw pa ng Belo Medical Group.