NAKAHIHILO na ang ating klima, napaka-init sa tag-araw, ika nga’y mala-impiyerno -- resulta, natutuyo ang mga dam, at iba pang imbakan ng tubig, apektado ang industriya sa agrikultura kaya ang ating mga kababayang magsasaka ang nagdurusa. Todo kabaligtaran naman ito kapag tag-ulan.
Bumabaha sa maraming lugar dahil sa pagtaas ng tubig sa mga ilog, estero, at kanal, na pinalalala pa nang pag-apaw ng tubig sa dam at dike sa mga lalawigan, lalo na itong mga nasa ‘di kalayuan sa Kalakhang Maynila.
Siyempre, kabuntot nito ang pagkabutas ng ating mga bulsa sa biglang pagtaas ng presyo ng mga gulay, prutas, karne, at lalo na ng bigas. Nasira kasi ang mga pananim, maraming nabulok na prutas at gulay na hindi madala sa ibang lugar, gaya ng Metro Manila, dahil sa baha at pagkasira ng mga pangunahing kalsada.
Hindi lang tayo ang dumaranas ng ganitong problema. Nangyayari rin ito sa ibang bansa, at maging ang mga tinaguriang super-power ay hindi rin ligtas sa ganitong phenomenon, na ayon sa mga eksperto ay dulot ng “climate change” dahil sa walang patumanggang paggamit ng “coal energy”.
Kabahagi sa pagsisikap ng pamahalaan sa iba’t ibang bansa na mapabagal ang paglala ng “climate change” - 'di man nito tuluyang mapigilan -- ay ang unti-unting paglipat sa paggamit sa “renewable energy sources” na mas kilala bilang “green energy”, kapalit ng makaluma at mapaminsalang “carbon energy fuel”.
Kabilang sa “green energy” na ginagamit ng malalaking industrial companies sa buong mundo – na ngayon ay ginagamit na rin sa ilang malalaking kumpaniya rito sa ating bansa, gaya ng San Miguel Corporation (SMC) – ay ang mga tinatawag na biomass, geothermal, hydro, ocean, solar, wind at hybrid systems.
Ito ay bilang pagtalima sa Republic Act No. 9513 (Renewable Energy Act of 2008) na isinabatas upang palawakin ang pagsasaliksik hinggil sa mapagkukunan ng “green energy” at mapabilis ang paggamit nito sa buong bansa, kapalit ng carbon energy. Naniniwala kasi ang mga eksperto natin sa enerhiya na aabot sa 15,304 Megawatts (MW) ang kuryenteng magagawa bago mag-2030.
Mura ang gastos sa paggamit ng coal energy kaya’t maraming negosyante ang tumatangkilik dito, pero matindi ang babala ng mga eksperto sa kalikasan sa masamang epekto nito sa ating kapaligiran.
Ayon sa U.S. Energy Information Administration (EIA) ang ilan sa lason na inilalabas sa paggamit ng coal ay:Sulfur dioxide na sanhi ng “acid rain” at mga sakit sa baga; Nitrogen oxides na nagdudulot ng smog at sakit sa baga; “Particulates” na sanhi rin ng smog, haze, at mga sakit sa baga; Carbon dioxide (CO2), lason sa ating katawan; Mercury at iba pang “heavy metals” na nagdudulot ng “neurological and developmental damage in humans and other animals”; at mga tinatawag na “fly ash and bottom ash” nainililipadsa kapaligiran na masama rin sa katawan ng tao at mga alagang hayop.
Pagmamalaking pahayag ni SMC President at CEO Ramon S. Ang (RSA): “SMC Global Power Holdings Corp. (SMCGP), is adding more renewable energy sources into its power portfolio that will significantly cut its carbon footprint, even as it continues to address the urgent need for reliable and affordable power.” Dagdag pa niya: “For several years now, we have been articulating our plans to move into cleaner and renewable power, and we would like to report to the public that now, these plans have not only taken shape but we have actually started implementing them.”
Ang ilan lamang sa “green energy” project na ito ng SMCGP – isa sa mga malalaking “power supplier” sa Pilipinas na may kabuuang kapasidad na 4,697 MW -- ay ang paggawa ng 31 Battery Energy Storage System (BESS) sa mga planta nito sa buong bansa, na inumpisahan ngayong taon at makukumpleto sa 2023. Ito ay makagagawa ng kuryente na aabot sa 1,000 MW, at ang makikinabang dito ay ang mga negosyanteng gumagamit ng kuryente sa buong bansa.
Bukod pa rito ang 1,300 MW Liquefied Natural Gas (LNG) combined cycle plant na itatayo sa Batangas City na inaasahang magbibigay ng “clean and stable power” sa Meralco sa mga susunod na 20 taon simula sa 2024. Kakambal din nito ang isa pang planta ng LNG na maitatayo sa loob ng 20 years, simula sa 2024. May mga plano pa rin ang SMC na makapagtayo ng “small-scale LNG plants” sa Visayas at Mindanao upang mapalakas ang rural electrification sa buong bansa.
“All these efforts including our ongoing initiatives to clean up our rivers are geared towards helping ensure that our post-pandemic recovery is better, greener and sustainable,” ani RSA.
Ang lahat ng ito ay ipinahayag ito ni RSA sa nakaraang “Virtual economic briefing for senior executives of Philippine companies in the US and American companies in the Philippines” na dinaluhan din ng matataas na opisyal mula sa ibang bansa, kasama ang ating Finance Secretary na si Carlos Dominguez.
Sa naturang pulong ay ipinabot ni Dominguez ang pagsusumikap ng ating pamahalaan na maabot ang target sa inilatag na “Paris Agreement on Climate Change” – na ang patunay aniya rito, ay ang mainit na pag-enganiyo sa mga negosyante na pasukin at mamuhunan sa pagpapalawak ng “green technologies” at “clean energy” sa buong bansa.
Mag-text at tumawag saGlobe: 09369953459 o mag-email sa:[email protected]