Umorder pa ang Manila City government ng karagdagang 500 oxygen tanks bilang paghahanda sakaling dumating ang “worst scenario” sa sitwasyon ng COVID-19.

Nabatid na ang naturang karagdagang oxygen tanks ay bukod pa sa 750 na naka-stock upang matiyak na ang mga pagamutan na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila ay may suplay nito.

Kaugnay nito, iniulat rin naman ni Manila City Mayor Isko Moreno na Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) ay 94% nang puno.

Sa kanyang live broadcast, binanggit ni Moreno ang ulat mula kay MCFH Director Dr. Arlene Dominguez na nagsasabing okupado na 323 mula sa kabuuang 344 kama ng pagamutan, kaya’t 11 kama na lamang ang natitira hanggang Miyerkules ng gabi.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Sa mga frontliners, doctors at nurses, alam ko, nabubulunan na kayo. Salamat at sa Maynila ay nakapagtatag tayo nang mabilisan ng 7th hospital na ngayon ay 94 percent nang puno. Patuloy ang paglago ng kaso, malapit nang mapuno ngunit sa kabilang banda, siya namang nabawasan ang mga pasyente sa ating mga ospital at nabigyan ngsapat na atensyon ang mga moderate, severe and critical so napagaan ang trabaho ng mga nurses and doctors dala nang na-segregate ‘yung lebel ng impeksyon,” anang alkalde.

Maliban sa mga oxygen tanks, sinabi ni Moreno na bumili rin ang lungsod ng Remdesivir at Tocilizumab na mamahalin at mahirap makitang gamot upang makatulong sa pagsasalba ng buhay ng mga pasyente ng COVID-19 na may critical o severe na kondisyon.

Ayon pa sa alkalde, may aral na mapupulot mula sa mga pangyayari sa bansang India, Malaysia at Indonesia kung saan nagkaroon ng shortage ngoxygen tanks at naging malaking problema at naging dahilan din ng pagkamatay ng marami.

Ang mga inorder na oxygen tanks ay karagdagan din sa mga high-end machines at iba pang medical equipment na binili ng lungsodat dumating na may tatlong linggo na ang nakakaraan.

Nabatid na ang 750 oxygen tanks na ginagamit sa Maynila ay naglalaman ng 50 litro kada isang tangke.

Samantala, iniulat rin ni Moreno na ang total COVID bed capacity ng mga city-owned hospitals ay nasa 47% na at ang occupancy rate naman sa quarantine facilities ay nasa 20%.

Mary Ann Santiago