Pinagtutulungan ngayon ng dalawang komite ng Kamara ang masusing imbestigasyon kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, katulad ng karne at gulay.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food sa ilalim ni Rep. Wilfrido Mark Enverga (1st District, Quezon) at ng House Committee on Trade and Industry sa pamumuno ni Rep. John Reynald Tiangco (Lone District, Navotas City), tinalakay nila ang mga isyu at problema tungkol sa food sufficiency sa gitna ng pandemya.

Isinagawa ang imbestigasyon batay sa House Resolution 1522 na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco, at sa iba pang House Resolutions HRs 987, 1495, 1504, 1505, 1512, 1515, 1526, 1556, at 1587.

Ikinatwiran ni Tiangco, ito ay makatutulong sa pagdetermina sa mga oportunidad na kailangan upang matugunan ang problema ng mga Pilipino sa pagkain.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa pagdinig, tinanong ng mga kongresista si Agriculture Secretary William kung ano ang ginagawa ng kanyang tanggapan para mapatatag ang presyo ng mga pagkain.

Paliwanag ni Dar, naglunsad na ang DA ng mga programa para mapababa ang presyo ng pagkain, gaya ng pagsuporta sa "local hog industry, diversifying food sources, gayundin ang pagdadagdagng suplay ng pagkain sa pamamagitan ng pag-aangkat nito.

Bert de Guzman